SPORTS COLUMN Eddie G. Alinea Sala sa Init, Sala sa Lamig – Kawalan ng Ama ng Sports sa Panahon ni Pnoy

0
394

ANG KOLUMNISTA – Eddie G. Alinea
 
Ni EDDIE G. ALINEA 
 
Sa ika-30 ng Hunyo sa darating na taon ay bababa na sa panguluhan si Pangulong Nonoy Aquino. Sa petsang nasabi matatapos ang anim na taong paninilbihan ni P-Noy sa pag-ugit ng pamahalaan bilang pinakamataas na opisyal ng bansa. Kung noong huling SONA (State of the Nation Address) ay nakapagtatakang wala man lamang nabanggit ang Pangulo tungkol sa kalagayan ng sports sa bansa, lalong katakataka nasa loob ng nakaraang mahigit limang taon ay  hindi man lang nakapagbigay ng basbas ni minsan ang anak ng namayapa nang Sen. Ninoy at dating Pangulong Cory. Marami-rami na ring  pambansang delegasyong pumalaot sa iba’t-ibang palarong internasyonal.
Mula noong umakyat si P-Noy sa Palasyo ng Malakanyang noong 2010, wala rin siyang pambansang delegasyson sa palakasan na binindisyunan noon dumating ang mga ito mula sa pakikipagtagisan ng lakas at talino laban sa mga atletang kumakatawan ang kani-kanilang mga bansa. Tatlong Southeast Asian Games (2011, 2013 at 2015) dalawang Asian Games (2010 at 2014) at isang Olympic Games (2012) ang  nilahukan ng mga atletang Pilipino mula noong siya’y umupo sa trono ng Palasyo, pero ni minsan ay hindi man lamang nila nasulyapan si Noynoy na kumaway sa kanila sa kanilang pag-alis o nakamayan sa kanilang pagdating na dala ang mga medalya, gaano man kakarampot, na  kanilang napanalunan. 
Ang pag-sendoff at pag-welcome sa pambansang delegasyon sa palakasan ay isa sa mga tungkuling dapat ay gampanan ng isang Pangulo sa buong panahon ng kanyang  panunungkulan. Siya ang itinuturing at kinikilala ng mga nasasakupan niya bilang AMA nila kaya’t nararapat lamang na humingi sila ng basbas kung saan man sila darayo para dalhin ang bandila sa isang palarong internasyonal. Basbas na kailangan ding gampanan ng isang Puno ng Estado sa pagbabalik ng  delegasyon. 
Tungkuling patuloy na ginagampanan ng lahat ng naging pangulo ng Pilipinas mula pa noong panahon ni Pangulong Manuel Quezon simula noong 1913 nang ang Pilipinas ay unang matanggap sa komunidad ng palakasan sa mundo. Nang taong iyon nabuklod ang Far Eastern Games na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nagtatag kasama ang China at Japan. Ang FEG ay  kinikilalang ama ng ngayon ay Asian Games. Katunayan, si Quezon ang nagbigay ng basbas sa lahat ng pambansang delegasyong lumahok sa  10 edisyon ng FEG mula 1913 hanggang 1934. Siya rin ang nagbendisyon sa isa-kataong  delegasyong kumatawan sa bansa sa kauna-unahang paglahok nito sa Olympic Games noong 1924.
Panahon din ni Quezon nang lumahok ang Pilipinas ay lumahok sa mga sumunod na Olimpiyada noong 1924, 1931 at 1936. Sinundan ito nina Pangulong Manuel Roxas, Lolo ni ngayon ay Noynoy annointed Mar Roxas, Elpidio Quirino, Diosdado Macapagal, Ferdinand Marcos, Cory Aquino, ina ni P-Noy, Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo, anak ni Presidente Dadong. Lahat sila ay tinupad ang tungkuling sinimulan ng ang Pilipinas at maging Republika. Samakatuwid, si Pangulong Noynoy ang kaisa-isang pinuno ng bansa na kahit kailan mula noong maupo ay hindi iginalang  ang tungkulin niya bilang AMA ng mga Pilipinong atleta.

Iisa lamang ang hula ng SALA SA INIT … kung bakit ganoon. Walang nakapagsabi sa kanya na tungkulin niya ito. Wala ring  nakapagpayo kay Noynoy na napahalagang sangkap ng palakasan sa pagtatayo ng isang malusog as malakas na pamayanan. Gaya ng edukasyon para makapagtayo matalinong pamayanan. Walang gumampan sa administrasyon niya ng tungkulin bilang sports consultant di gaya ng mga  nauna sa kanya sa Malakanyang. Di gaya nang panahon nina Marcos, Tita Cory, FVR, Erap at maging si GMA na a one time or another ay humirang ng taong gumampan ng tungkulin tulad nina dating Senador Robert “Sonny” Jaworski at atleta at aktor na si Ricard “Goma” Gomez bilang tagapayo tungkol sa sports.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here